We’ll see.

Posted in Explicit Lyrics with tags on January 21, 2009 by afro_samurai

I will be proven right. I always am. It’s just a matter of how and when. You don’t spend a year or two perusing military philosophy and not see shit developing where it shouldn’t. You don’t study said philosophy and not fucking apply that knowledge. You don’t listen to the teachings of a two-thousand year-old dead guy and not use those ideas to screen through the actions, or lack thereof, of your peers.

What a waste.

==========

Two days into my new job, and I’m already weighing my options. I’m having second thoughts about going on with this one; Something’s telling me that I’m better off some place else. Maybe its the employment equivalent of pre-wedding jitters. Maybe its my usual laziness rising to the top. The two people there are nice, save for the marketing guy who looks too much like a used-car salesman, pointy smile and all. Then again, I get to ogle at the picture of a near-naked girl for eight hours – but that can get boring after a while…

Gauge the Possibilities

Posted in Uncategorized with tags , on January 13, 2009 by afro_samurai

Ako ang klase na tao na sanay na walang pera. Na kuntento na sa pagkakaroon ng barya na kaunti sa halip na matabang account sa bangko. Siguro gawa noon kaya di rin ako nagkaroon ng kahit katiting na amor sa pagtatrabaho sa call center–na kaya kong talikuran ang spin ng PR agencies ng mga kompanyang yun at maging karaniwang pang-araw na empleyado lang.

Pero ngayon, parang gusto ko pang humanap ng freelance na trabaho. Siguro dahil di ko naman maitanggi na masarap may pera kahit sanay akong wala, na nanunubok ako sa suwerte ko at baka lang may madagdag ako sa kikitain kong salapi…Di naman ako tulad ng iba na walang mapaglagyan ng pera. Noon siguro, oo, nung disposable pa talaga ang turing ko sa suweldo ko. Pero ngayon–siguro dala na rin ng kamalayan na krisis ngayon at mas maraming mas magandang paglaanan ng pera kesa sa mamahaling kape, bagong sapatos, at kung anu-ano pang luho, mas parang tinatamad akong gumastos.

Ano nga kaya mangyayari kung magkaroon ako ng part-time na trabaho? Maging maayos kaya ang lagay ko pag ganon?

Huling Linggo ng Kalayaan

Posted in Uncategorized with tags , on January 12, 2009 by afro_samurai

Sinalubong ko ang pagpasok ng 2009 na walang trabaho. Di ko alam na higit isang linggo lang pala ang lilipas, balik rat race na naman ako.

Nakahanap ako ng trabaho matapos ang isang linggong labas-masok ako sa iba-ibang ahensya, kabilang na ang GSIS at isang pribadong kompanya na nasa linya ng pagtatayo ng condo. Naging karamay at kabalikat ko ang ipinahiram na shoulder bag ni inay para di naman daw ako palaging mukhang estudyanteng magOOJT sa pagbibitbit ng backpack. Ininda ko at iniinda pa rin ang nananakit na mga litid sa hita, binti at paa sa walkathon mode ko. At ngayon nga, dahil nakapasok na ako sa isang maliit na kompanyang…sabihin na nating…medyo tumatangkilik sa mga “prurient interests” ng masang mambabasa, handa na akong maging alila este empleaydo ulit.

Sana nga ganun kadali. Syempre, masarap naman din ang pagtambay sa bahay at di ka na mamomroblema sa trapik. pamasahe, kupal na katrabaho, mas kupal na boss, at deduction sa sahod. OK na, sana ganun na lang lagi. Kaso syempre, ayoko din naman maging pabigat, na kahit di ako nagbibigay eh di din naman ako dumadagdag sa gastos. Kaya ayun, sa pagaayos ng mga requirements ang kauuwian ng huling linggo ko na malayang tamad.

Sabi nga ng mga mas marurunong, yun ang nakakaasar sa kalayaan. Nakukuha mo at nagagawa mo kung ano ang gusto mo, pero kasabay nito, napapala mo kung ano ang nararapat sa iyo.

(Pag di talaga umubra ito, magpopornstar na lang ako o magtutulak ng droga. Ayoko na.)

Dalawang araw.

Posted in The wage Slave Chronicles with tags , , on November 26, 2008 by afro_samurai

Kahapon.

Elisco Road, Barangay Kalawaan Sur, Pasig.

Interview at practical exam para sa trabaho, kaya napilitan akong magpatama ng sinag ng araw, kahit parang sinisilaban ang pakiramdam ko pag tinatamaan ng liwanag ng araw sa umaga. Napuntahan na namin ni kumander yung lugar nung linggo ng gabi, kaya di na ako nangapa sa pagpunta doon. Di lang talaga ako makarekober sa layo–sa sobrang layo at sobrang kalibliban ng distritong yun ng Pasig. Isang mahabang two-way, one-lane kalye yun, na ang tanging transportasyon kung wala kang tsikot tulad ko ay tricycle sa gitna ng mga naglalakihang mga TRAK.

Tinotoyo na ako pagdating ko sa lugar, siguro gawa ng naglalabang init at lamig, isama na pati ang layo at pagkabagot sa mga nakaharang sa aking daan. Wala na ako sa hulog para magisip ng tama, more so ang pagsagot ng wasto para sa Job Interview. Di ko na naaalaala ang mga sinabi ko, pero may kaugnayan yun sa truncated na tenure ko sa pagiging aspiring graphic chorva.

Matapos ang sampung minutong tanghalian na di ko namalayang lumipas, Photoshop naman ang kinana ko. ngayon naman, lamig ang naging kalaban ko na sinabayan pa ng namumuong antok at jetlag. di ko rin alam kung paano ko natapos ang ginagawa ko, pero ang natatandaan ko, may natutunan na naman akong bagong techniques. Yun yon eh.

Paguwi ko (na dalawang oras ang byahe sa bigat ng trapik) syempre, computer agad ang hinarap ko.

Check ng e-mail.

Please be advised that you are scheduled for an exam on November 25, 2008 at 1:00 PM here at _________________________, bring your comprehensive resume.

Naknamputsang kaliwa’t kanan!

Tawag. Reschedule.

Cha-Ching!

KANINA.

Makati Central Business District.

Ang paghahanap ng building sa Makati ang isa sa mga pinakaayaw kong gawin. Dahil wala akong kaalam-alam sa lokasyon doon, nagmumukha akong tanga kakahanap sa mga kalyeng parang sa Twilight Zone ang tumbok. Salamat naman at yung nasakyan kong jeep e dumadaan sa harap nung building mismo. Intay ng kalahating oras at palamig ng sandali, ayun application form na ang hinihimas ko. Exam sa English at sa computer, tapos practical.

May tangang nagsiksik nung armrest sa draw-out na platform ng computer table doon. Inilalabas ko paunti-unti ang upuan nang bumigay ang patungan mula sa track nito sa loob ng lamesa.

Basag ang poise.

inayos ko ng dali-dali ang nagkalat na patungan, pati na rin ang keyboard at mouse. Madaliang tinapos ang hands-on na exam at umalis agad. Nilakad ko mula doon hanggang EDSA, tapos ay umuwi na.

Kelan naman kaya ang susunod na excursion?

ang tutong ng byahe

Posted in kwentong buhay with tags on October 25, 2008 by afro_samurai

Nawala ang isang araw ng buhay ko sa pagbabyahe. Akala ko, sa mga nauwi lang sa Visayas at Mindanao na di nasakay sa eroplano nangyayari yun, tulad ng mga magulang ni Kumander, na via bus ang byahe pa-Leyte. Di ko akalain na yung slingshot move ko mula Marikina hanggang Laguna and vice versa e aabot na ng sampung oras. Syempre, andun ang doble parusa ng SLEX at Los Baños National Highway, sama na rin pati ang after dark rush hour sa Skyway papuntang Magallanes, pero ganun pa man, nawala ang isang araw sa buhay ko ng nakaupo lang ako sa siksikang sasakyan.

Umuwi ako ng Laguna para bisitahin at ischedule ng maintenance ang puntod ng mga lolo at lola ko para di na kami nauwi ng November 1.  Ala-una ng hapon ako nakaalis ng Maynila, at nakarating ng Laguna ng alas kwatro ng hapon. Dati dalawang oras lang mula point A hanggang point B pero ngayon, dahil sa two lane bottleneck ng Los Baños, doble ang oras ng pagdaan doon. Sa di malamang kadahilanan, doon pinapadaan ang LAHAT ng sasakyan, mapamaliit o malaki, dalawang gulong o apat, na nagiging sanhi ng matinding gridlock. Ayaw ko na tuloy isipin kung ano itsura ng Los Baños pag may Manila-style na hukay sa kalsada. Baka uugatan na ang mga sasakyan at magkakasubukan kung sino ang biodegradable at sino ang nonbiodegradable.

Pagdating ko ng Laguna, syempre, deretso sa sementeryo para sumilip. Nung nakita ko ang lagay ng pwesto, parang kinutuban ako na may mali. Dun ko nalaman na apparently, pinaginteresan ng mga kawatan ang bubong ng tinayo naming takip para sa pwesto ng lola ko. Ganun daw ang kalakaran doon, sabi ng hardcore kong tiyahin na Godmother ng mga mafia ng Sepulturero sa sementeryo. Para di na nga naman mapunta sa hardware ang ibibgay na pera ng mga clueless na city folk, mangnenenok na lang sila ng materyales mula sa ibang libingan. Nakamura na sila, nakatipid pa. Nung irereport ko kay inay ang aking mga natuklasan, sakto namang sinumpong ang telepono ko, at ayaw magpapindot ng keypad. Siguro, sinasabi ng karma police na pabayaan ko na lang daw kesa makarating pa kay Ben Tulfo.

So matapos ang pagsasaayos ng gagawin sa pwesto, lumarga na ako. Dahil ayokong maparalisa dahil sa pagkakabaluktot dahil sa kakulangan ng legroom sa mga bus, nagjeep ako hanggang Calamba. Kahit maulan, mas maayos naman ang lagay ko sa jeep. Ngayon nga lang ako, sa tanang tagal ng pagkocommute ko, gumastos ng 55 pesos sa isang sakay ng jeep. Dapat pala humirit ako ng bucket seating, masahe at complimentary ice tea sa drayber. Pagdating ko sa Calamba, na may halong kaba kasi gabi na nun at di ko alam kung anong oras ang last trip, lumipat ako sa bus na pa-Alabang. Nakarating ako ng Metropolis ng alas-nuwebe ng gabi, matapos ang pagpipilit na huwag makatulog ng dahil sa buga ng hanging SLEX sa mukha ko.

Nakauwi ako ng Marikina, alas dyes medya na. Nagtututong sa alikabok, masakit ang katawan, at pagod, pero handa para bumalik uli kung kailangan.

Ikaw na ang laboy.

PS: may nakita ako sa T-shirt na suot ng mama sa Cubao.

” I love mankind. It’s people that I can’t stand”

Back in the Jungle

Posted in kwentong buhay with tags on September 24, 2008 by afro_samurai

Mag-iisang buwan na mula nung umeskapo ako sa kulungan kong trabaho. Naghahanap na ako ng magogoyo malilipatan na mas matino at di hamak namang mas normal. Maraming ads akong naiscrapbook  pero dahil nabraso ako ni inay na magaral muli ng web dev para nga naman daw di na alimurain ang anak niyang masscomm, on hold lahat ng mga applications ko. Kaso, dalawang linggo nang walang klase ang pinapasukan kong SuperComputerLearningSchool kaya bahay ang kulungan ko.

Walang inatupag ang inyong lingkod kundi ang pagiging glorified chimoy dito sa bahay naming palaging mukhang tinamaan ng bomba. Well, di naman chimoy kasi alam naman ng nanay ko na di ko strength ang paglilinis ng bahay. Cook ulit ako dahil wala ang tatay ko at ako lang ang may kahit papaanong kakayahan na makapagluto nang di nagsisimula ng sunog. Siguro dapat ko nang simulan ang pangarap kong magtayo ng carinderia. Wala pa namang namamatay sa mga niluluto ko, o baka dahil di na sila tinatablan ng Toxic stew na minaster ko.

Awa ng Higher Power, may naipundar naman akong gamit sa panahon ng pamamalagi ko sa AsylumWebDevelopment. Kahit di pa bayad ang kalahati ng tablet na binili ko. Ginamit ko siya recently sa isang project at medyo panalo naman ang kinalabasan. Medyo naniibago pa ako dahil tatlong beses ang laki niya sa una kong tablet, pero nung nakuha ko na, it became my new best friend.

Simulan ko na kaya ang plano kong one-shot manga?

August is the end of Cabin Fever

Posted in The wage Slave Chronicles with tags on August 28, 2008 by afro_samurai

Sa di maipaliwanag na dahilan, parang galit sa employment status ko ang buwan ng Agosto. Di ko alam kung ano ang meron at lagi akong bum pag ganitong buwan.

Wala na ako sa trabaho ko. Pero kakaiba kasi sa halip na manghinayang ako, tuwang-tuwa pa ako. Kung ibang tao yun, siguro kinakabahan na sila. Pero somehow, detached na detached ako sa mga pangyayari, na para bang sa ibang tao nangyayari ang mga nangyayari ngayon. Di sa di ako handang mawalan ng steady income, siguro naman kung babasahin mo ang mga nauna kong post, e malinaw na ayaw ko sa pinagtrabahuhan kong amo at matagal ko nang gustong umeskapo sa kulungan kong pinagtiisan ng halos limang buwan. Isa pa, di ako estranghero sa kawalan ng pera. dahil halos dalawang taon ako pumetiks.

Ngayon, maraming magtatanong kung bakit sinayang ko ang pagkakataon. Alam kong pointless na ang magreklamo dahil limang buwan na akong nagrereklamo, at nangyari na ang gusto kong mangyari, pero in the interests of clarity, siguro malaking parte ng desisyon ko ay dahil siguro tinamad na ako, at di tulad ng dati, di ko na pinatagal ang pagkatamad ko. Siguro dahil alam kong nasasakal ako sa setup sa trabaho, na utos ng boss ang masusunod, final veto, at salita ng Diyos at WALA kang say sa kahit anong issue kasi kahit magsalita ka, di naman pakikinggan at igagalang ang opinyon mo. Siguro narealize ko na may mas magandang offer ng mas malaking compensation sa labas ng mundong ginagalawan ko, compensation na mas maayos ang training para sa posisyon. Dagdag na rin natin ang pagkasuya sa walang katapusang mga kabaliwan ng ex-amo kong ubod ng galing. Di ka man marindi sa trabaho, sa mga inanities niya, siguradong mauumay ka o magbabaril sa ulo para lang matigil na ang pagpasok ng salita niya sa utak mo.

Chain Letter Wisdom, Episode 1

Posted in kwentong buhay with tags , , on August 22, 2008 by afro_samurai

Syempre kailangan ng hits ng blog natin kahit na ito ang pinakaboring na blog sa buong Interwebs.

The paradox of our time in history is that we have taller buildings but shorter tempers, wider freeways , but narrower viewpoints.
We spend more, but have less, we buy more, but enjoy less.
We have bigger houses and smaller families, more conveniences, but less time.
We have more degrees but less sense, more knowledge, but less judgment, more
experts, yet more problems, more medicine, but less wellness.

We drink too much, smoke too much, spend too recklessly, laugh too little, drive too fast, get too angry, stay up too late, get up too tired, read too little, watch TV too much, and pray too seldom.

We have multiplied our possessions, but reduced our values. We talk too much, love too seldom, and hate too often.

We’ve learned how to make a living, but not a life.
We’ve added years to life not life to years.
We’ve been all the way to the moon and back, but have trouble crossing the street to meet a new neighbor.
We conquered outer space but not inner space.
We’ve done larger things, but not better things.

We’ve cleaned up the air, but polluted the soul.
We’ve conquered the atom, but not our prejudice.
We write more, but learn less.
We plan more, but accomplish less.
We’ve learned to rush, but not to wait.
We build more computers to hold more information, to produce more copies
than ever, but we communicate less and less.

These are the times of fast foods and slow digestion, big men and small character, steep profits and shallow relationships.
These are the days of two incomes but more divorce, fancier houses, but broken homes.

These are days of quick trips, disposable diapers, throwaway morality, one night stands, overweight bodies, and pills that do everything from cheer, to quiet, to kill.
It is a time when there is much in the showroom window and nothing in the stockroom. A time when technology can bring this letter to you, and a time when you can choose either to share this insight, or to just hit delete…

Remember; spend some time with your loved ones, because they are not going to be around forever.

Remember, say a kind word to someone who looks up to you in awe, because that little person soon will grow up and leave your side.

Remember, to give a warm hug to the one next to you, because that is the only treasure you can give with your heart and it doesn’t cost a cent.

Remember, to say, ‘I love you’ to your partner and your loved ones, but most of all mean it. A kiss and an embrace will mend hurt when it comes from deep inside of you.

Remember to hold hands and cherish the moment for someday that person will not be there again.

Give time to love, give time to speak! And give time to share the precious thoughts in your mind.

AND ALWAYS REMEMBER:

Life is not measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away.

Back to the Dungeon again.

Posted in The wage Slave Chronicles, Uncategorized, Weekend Wrap-up with tags on August 19, 2008 by afro_samurai

Masama man sa loob ko e tapos na ang long weekend, kaya kakaladkarin ko na naman ang sarili ko pabalik sa opisina sa piling ng amo kong hari ng mga Goblin. Tapos na ang movie marathon na ginawa ko at ni kumander mula nung Sabado hanggang Lunes kaya balik na naman ako sa brutalidad ng ??-7 kong shift.

Gaya ng dati, inubos ko na naman ang araw ko sa pagpapanggap na marunong ako ng Web Dev dahil sa kadahilanang nalimutan na nga yata talaga ni boss na MASSCOMM ang tinapos ko at HINDI WEB DEV. Naubos ang walong oras ng buhay ko sa pag-oobsess kung paano makakapagpagalaw ng navbar ng isang website. It’s sad, inane and fruitless. I know-at dahil olats ang utak ko sa pagunawa ng code, doble pasakit sa akin.

Pwede ko matutuhang mahalin ang ginagawa ko, sa totoo lang, kung di lang sana ako tila inilaglag sa gitna ng dagat na may nakataling pata mula sa baboy na bagong katay sa aking leeg at sinabihang unahan ko ang mga pating. Parang ayoko, o di kayang isipin ng utak ko na may divine humor dito sa sitwasyon ko. Kung mayroon man nung tinatawag na silver lining-yung liwanag sa likod ng kulimlim ng mga ulap-sana naman e makita ko na iyon. May optimism pa rin naman sa sistema ko kahit napakacynical ko minsan. Sana lang wag siya maging asa sa wala.

Under the Influence of Vertigo

Posted in Reklamo 101 with tags , on July 31, 2008 by afro_samurai

Nasusuka ako.

Sabi na nga ba ayaw ko maglaro ng 3d game eh. Nagkakaroon ang mga mata ko ng equivalent ng blue screen of death sa computer pag lumampas ako ng ten minutes ng paglalaro. Nakakahilo, nakakasuka, at parang nastress ako ng bigla pagkatapos ko.

Nakakuha kasi ako sa internet ng disc image ng Soul Reaver. Naisipan kong subukan kasi medyo boring nga ang schedule ko ngayon na bahay-opisina-bahay. Para sa aking may mild na ADHD, ang hirap nun. Yun ngang sampung minuto sa isang lugar na nakaupo lang nahihirapan na ako minsan eh. Ano pa kaya yung walong oras? Ayun, so relatively painless naman ang installation, napagana ko naman ng maayos at napaandar ko sa makina ko.

All’s well that ends well, right?

Nope.

Di ako makapagsave, at bukod pa niyan, lahat ng pader, sahig, at kisame ng environment na nilalakaran mo, parepareho ng hitsura.

Kinauwian, para akong nakarecover sa acid trip. Hanggang ngayon na sinusulat ko ito, medyo masakit ang ulo ko, nahihilo ako, at parang me liyabeng nakakabit sa sentido at kilay ko. Tumalon na rin yata ang presyon ko. Bago niyo ako akusahan ng Red alerts of Aging, di ito senyales ng pagiging hukluban ko. Ewan ko ba, parang sakit ko na yun eh. Kaya di ako nakaranas maadik sa Counterstrike eh, gawa nyan. Makakapaglaro ako ng arcade emulator maghapon at magdamag pero di ako hahawak ng 3d na laro.

Now if you’ll excuse me, I think I need to go vomit.