Archive for the Uncategorized Category

Gauge the Possibilities

Posted in Uncategorized with tags , on January 13, 2009 by afro_samurai

Ako ang klase na tao na sanay na walang pera. Na kuntento na sa pagkakaroon ng barya na kaunti sa halip na matabang account sa bangko. Siguro gawa noon kaya di rin ako nagkaroon ng kahit katiting na amor sa pagtatrabaho sa call center–na kaya kong talikuran ang spin ng PR agencies ng mga kompanyang yun at maging karaniwang pang-araw na empleyado lang.

Pero ngayon, parang gusto ko pang humanap ng freelance na trabaho. Siguro dahil di ko naman maitanggi na masarap may pera kahit sanay akong wala, na nanunubok ako sa suwerte ko at baka lang may madagdag ako sa kikitain kong salapi…Di naman ako tulad ng iba na walang mapaglagyan ng pera. Noon siguro, oo, nung disposable pa talaga ang turing ko sa suweldo ko. Pero ngayon–siguro dala na rin ng kamalayan na krisis ngayon at mas maraming mas magandang paglaanan ng pera kesa sa mamahaling kape, bagong sapatos, at kung anu-ano pang luho, mas parang tinatamad akong gumastos.

Ano nga kaya mangyayari kung magkaroon ako ng part-time na trabaho? Maging maayos kaya ang lagay ko pag ganon?

Huling Linggo ng Kalayaan

Posted in Uncategorized with tags , on January 12, 2009 by afro_samurai

Sinalubong ko ang pagpasok ng 2009 na walang trabaho. Di ko alam na higit isang linggo lang pala ang lilipas, balik rat race na naman ako.

Nakahanap ako ng trabaho matapos ang isang linggong labas-masok ako sa iba-ibang ahensya, kabilang na ang GSIS at isang pribadong kompanya na nasa linya ng pagtatayo ng condo. Naging karamay at kabalikat ko ang ipinahiram na shoulder bag ni inay para di naman daw ako palaging mukhang estudyanteng magOOJT sa pagbibitbit ng backpack. Ininda ko at iniinda pa rin ang nananakit na mga litid sa hita, binti at paa sa walkathon mode ko. At ngayon nga, dahil nakapasok na ako sa isang maliit na kompanyang…sabihin na nating…medyo tumatangkilik sa mga “prurient interests” ng masang mambabasa, handa na akong maging alila este empleaydo ulit.

Sana nga ganun kadali. Syempre, masarap naman din ang pagtambay sa bahay at di ka na mamomroblema sa trapik. pamasahe, kupal na katrabaho, mas kupal na boss, at deduction sa sahod. OK na, sana ganun na lang lagi. Kaso syempre, ayoko din naman maging pabigat, na kahit di ako nagbibigay eh di din naman ako dumadagdag sa gastos. Kaya ayun, sa pagaayos ng mga requirements ang kauuwian ng huling linggo ko na malayang tamad.

Sabi nga ng mga mas marurunong, yun ang nakakaasar sa kalayaan. Nakukuha mo at nagagawa mo kung ano ang gusto mo, pero kasabay nito, napapala mo kung ano ang nararapat sa iyo.

(Pag di talaga umubra ito, magpopornstar na lang ako o magtutulak ng droga. Ayoko na.)

Back to the Dungeon again.

Posted in The wage Slave Chronicles, Weekend Wrap-up with tags on August 19, 2008 by afro_samurai

Masama man sa loob ko e tapos na ang long weekend, kaya kakaladkarin ko na naman ang sarili ko pabalik sa opisina sa piling ng amo kong hari ng mga Goblin. Tapos na ang movie marathon na ginawa ko at ni kumander mula nung Sabado hanggang Lunes kaya balik na naman ako sa brutalidad ng ??-7 kong shift.

Gaya ng dati, inubos ko na naman ang araw ko sa pagpapanggap na marunong ako ng Web Dev dahil sa kadahilanang nalimutan na nga yata talaga ni boss na MASSCOMM ang tinapos ko at HINDI WEB DEV. Naubos ang walong oras ng buhay ko sa pag-oobsess kung paano makakapagpagalaw ng navbar ng isang website. It’s sad, inane and fruitless. I know-at dahil olats ang utak ko sa pagunawa ng code, doble pasakit sa akin.

Pwede ko matutuhang mahalin ang ginagawa ko, sa totoo lang, kung di lang sana ako tila inilaglag sa gitna ng dagat na may nakataling pata mula sa baboy na bagong katay sa aking leeg at sinabihang unahan ko ang mga pating. Parang ayoko, o di kayang isipin ng utak ko na may divine humor dito sa sitwasyon ko. Kung mayroon man nung tinatawag na silver lining-yung liwanag sa likod ng kulimlim ng mga ulap-sana naman e makita ko na iyon. May optimism pa rin naman sa sistema ko kahit napakacynical ko minsan. Sana lang wag siya maging asa sa wala.

Isang Linggong walang PC

Posted in Uncategorized on June 23, 2008 by afro_samurai

- Napaayos ko na ang PC ko. After one week. Dahil napakaraming inasikaso ngayong linggong ito. Nagsimula sa pagluluko ng Dr Watson debugger ng Windows at nauwi sa pagpapalit ng power supply mula 350W to 500W na tumataginting. At 900 pesos damage. Ayos lang, inisip ko, mas mahirap para sa aking kakabit na ang makina sa pusod, at least, di ko na poproblemahin. Buti na ngayong habang may pondo pa e masira, kesa yung walang-wala ka na saka pa lang masisira.

Pero looking back, andami ko din palang nagawa nung panahon na yun.

Nanood ng DVD

Bumawi ng Tulog

Nanood ng TV

Nalaman na buhay pa pala si Ces Drilon

Nagbasa

Nagdrawing

…(marami na yun)

Aalis dapat si itay nung Miyerkules patungong kalalimang Aprika. Kaso, sa kadahilanang diplomatiko, naatras sa Sabado sa susunod na linggo ang flight. Mamimiss ko ang tatay ko, syempre. Di ako malapit ng sobra sa kahit kanino sa kanila, pero bilang anak, Iba pa rin ang pakiramdam na andyan lang ang tatay mo.

Ingat ka ‘tay.

Wala akong pera sabi ni Mr Krabs

Posted in Uncategorized on June 12, 2008 by afro_samurai

Dalawang araw bago ang sweldo at nasairan ako ng pera. Walang panggastos, walang luho, walang need, at lalong walang want.

Ang halagang 90 pesos na natira sa wallet kong panay alikabok lang ang laman ay paaabutin ko ng dalawang araw. Gagamitin sa Pamasahe at Pagkain. Buhay estudyante sa panahon ng sweldo. Ayus parang title ng makabagbagdamdaming libro. Parang Love in the Time of Cholera.

At ano pa nga ba ang ginagawa sa mga panahon na gaya nito? Sa mga panahon na ang sinturong hinihigpitan ay pwede nang ipambitay? Kailangan nating gumawa ng action plan!

Parang kailangan ko nang bumili ng bisikleta. 32 pesos din ang matitipid ko sa araw-araw. 32 X 10 is 320. Plus Calories burned. (One step closer na tayo sa Marc Nelson Body. Kahit di na mukha, maski body na lang)

Magbabaon ako as much as possible. Kundi lang ako nahihiya na nakikikain sa carinderia na di doon binili ang kinain, di na ako bibili ng softdrinks.  (Babay Marc Nelson Body) Sa mall ko lang ginagawa yun.

(stay tuned for more nefarious plans)

Kailangan kasi eh. Sa liit ng sinasahod ko sa trabaho ko, katangahan na ang pagwawaldas.

“Parang Muscle na nagkapilipilipit!”

Posted in Uncategorized with tags on April 22, 2008 by afro_samurai

Nag-up ang homepage ng isang site na ninenok ang design sa ibang site kanina. Nakakaguilty din pala mangopya na ultimo CSS ng site gagawan mo ng Ctrl-C/V attack. May maka-ispot kaya sa katarantaduhang ginawa ko?

As usual, naglakad na naman ako pauwi. Wala na kasi akong pera, malapit din naman, saka (sabi ni kumander) kailangan ko nang idispatsa ang minamahal kong organic salbabida at palitan ng terminator-abs ni Marc Nelson. Since wala akong pera na pang-gym, OK na na mag-Death March ako patawid ng dalawang barangay. Kahit na kabalintunaan at potentially dangerous na maglakad sa init ng gabi, ayus lang. Nakakain pa ulit ng fishball. Solb na naman ako sa limang pisong harinang may kasamang Salmonella saka E. coli flavors. Nakauwi naman ako ng maluwalhati, pero ang sakit ng katawan ko. Parang binugbog ni Marc Nelson. Bukas ulit.

Sumusumpong na naman ang attention deficit disorder ko at ang lightspeed na bilis kong mainip. Bakit kaya nung wala akong trabaho, kaya kong maupo sa harap ng computer ng walong oras derecho na di naiinip? Ngayon na bayad na ang pangangatikot ko sa Photoshop, naiinip ako?

Siguro dahil boring as fuck ang trabaho ko.

Namimiss ko pagiging estudyante ko. Gusto ko magcutting kahit minsan lang. Yung tipong aalis ka ng bahay pero di mo alam kung saan ka patungo, tapos ang itinerary mo ina-adlib lang. Magpapakabusog ka na sa Lugaw, waffles, 35pesos na merienda meals sa foodcourt na lasang ginisang asbestos, o Jollibee kung may pera. Mag-aaliw sa pagtingin ng poster ng sine at pirated na DVD. Pag nainip, saka lang uuwi.

Good Times.

La Vida es Buena

Posted in Uncategorized on April 20, 2008 by afro_samurai

Life is good.

Ayos na ang Internet Connection ko. May namaling saksak lang na wire sa modem. Mabilis ang response ng tech team ng ISP at di na nangailangan ng follow-up call para macheck kung kailan sila dadaan.

Masarap ang kapeng natimpla ko kanina. Maganda ang ratio ng kape, creamer saka asukal. Ayus na ayus.

May nahanap na ako na brush-tip pen sa bookstore. Nasa Trinoma lang pala ang hinahanap ko ng kay-tagal-tagal. Gagawa ako ng tutorial pag nakuha ko na ang tamang style at technique ng paggamit nito.

Nagsayaw si Uber-Hottie Angel Locsin sa TV. Flesh-colored tights. Mainit na dito uminit pa lalo. Ampotah maanghang maanghang maanghang-yung tipong tigil ang mundo pag napanood mo. AMMP! Video pag may nakuha ako. YouTube here I come.

Asalto Primer

Posted in Uncategorized on April 20, 2008 by afro_samurai

Finally got around and got here after thinking about starting a new blog for the longest freaking time. It’s not that I don’t have any spare time to waste bitching on a blog with, It’s more of I didn’t really have anything quite profound, mind-blowing or earth-shattering to say, or in this case, blog home about, which is a supreme irony considering that I am a writer by training.

But after a few changes happened in my life, namely finding a job after drifting aimlessly for two long years, I felt that curious need again: To rant, to vent, to bitch, to whine, to let loose my mindless ideologies on a hapless, unwitting world. In a crazy-ass world such as this, That probably is the best thing to do just to keep from getting mindfucked.

So I’m back at the road I’ve hit quite a few times before in one form or another. It’s been a bumpy ride, and there will be more concussions to come, but we’ll make it there, won’t we?

Welcome.

dL.