Huling Linggo ng Kalayaan

Sinalubong ko ang pagpasok ng 2009 na walang trabaho. Di ko alam na higit isang linggo lang pala ang lilipas, balik rat race na naman ako.

Nakahanap ako ng trabaho matapos ang isang linggong labas-masok ako sa iba-ibang ahensya, kabilang na ang GSIS at isang pribadong kompanya na nasa linya ng pagtatayo ng condo. Naging karamay at kabalikat ko ang ipinahiram na shoulder bag ni inay para di naman daw ako palaging mukhang estudyanteng magOOJT sa pagbibitbit ng backpack. Ininda ko at iniinda pa rin ang nananakit na mga litid sa hita, binti at paa sa walkathon mode ko. At ngayon nga, dahil nakapasok na ako sa isang maliit na kompanyang…sabihin na nating…medyo tumatangkilik sa mga “prurient interests” ng masang mambabasa, handa na akong maging alila este empleaydo ulit.

Sana nga ganun kadali. Syempre, masarap naman din ang pagtambay sa bahay at di ka na mamomroblema sa trapik. pamasahe, kupal na katrabaho, mas kupal na boss, at deduction sa sahod. OK na, sana ganun na lang lagi. Kaso syempre, ayoko din naman maging pabigat, na kahit di ako nagbibigay eh di din naman ako dumadagdag sa gastos. Kaya ayun, sa pagaayos ng mga requirements ang kauuwian ng huling linggo ko na malayang tamad.

Sabi nga ng mga mas marurunong, yun ang nakakaasar sa kalayaan. Nakukuha mo at nagagawa mo kung ano ang gusto mo, pero kasabay nito, napapala mo kung ano ang nararapat sa iyo.

(Pag di talaga umubra ito, magpopornstar na lang ako o magtutulak ng droga. Ayoko na.)

Leave a Reply