Back in the Jungle
Mag-iisang buwan na mula nung umeskapo ako sa kulungan kong trabaho. Naghahanap na ako ng magogoyo malilipatan na mas matino at di hamak namang mas normal. Maraming ads akong naiscrapbook pero dahil nabraso ako ni inay na magaral muli ng web dev para nga naman daw di na alimurain ang anak niyang masscomm, on hold lahat ng mga applications ko. Kaso, dalawang linggo nang walang klase ang pinapasukan kong SuperComputerLearningSchool kaya bahay ang kulungan ko.
Walang inatupag ang inyong lingkod kundi ang pagiging glorified chimoy dito sa bahay naming palaging mukhang tinamaan ng bomba. Well, di naman chimoy kasi alam naman ng nanay ko na di ko strength ang paglilinis ng bahay. Cook ulit ako dahil wala ang tatay ko at ako lang ang may kahit papaanong kakayahan na makapagluto nang di nagsisimula ng sunog. Siguro dapat ko nang simulan ang pangarap kong magtayo ng carinderia. Wala pa namang namamatay sa mga niluluto ko, o baka dahil di na sila tinatablan ng Toxic stew na minaster ko.
Awa ng Higher Power, may naipundar naman akong gamit sa panahon ng pamamalagi ko sa AsylumWebDevelopment. Kahit di pa bayad ang kalahati ng tablet na binili ko. Ginamit ko siya recently sa isang project at medyo panalo naman ang kinalabasan. Medyo naniibago pa ako dahil tatlong beses ang laki niya sa una kong tablet, pero nung nakuha ko na, it became my new best friend.
Simulan ko na kaya ang plano kong one-shot manga?