Back to the Dungeon again.

Masama man sa loob ko e tapos na ang long weekend, kaya kakaladkarin ko na naman ang sarili ko pabalik sa opisina sa piling ng amo kong hari ng mga Goblin. Tapos na ang movie marathon na ginawa ko at ni kumander mula nung Sabado hanggang Lunes kaya balik na naman ako sa brutalidad ng ??-7 kong shift.

Gaya ng dati, inubos ko na naman ang araw ko sa pagpapanggap na marunong ako ng Web Dev dahil sa kadahilanang nalimutan na nga yata talaga ni boss na MASSCOMM ang tinapos ko at HINDI WEB DEV. Naubos ang walong oras ng buhay ko sa pag-oobsess kung paano makakapagpagalaw ng navbar ng isang website. It’s sad, inane and fruitless. I know-at dahil olats ang utak ko sa pagunawa ng code, doble pasakit sa akin.

Pwede ko matutuhang mahalin ang ginagawa ko, sa totoo lang, kung di lang sana ako tila inilaglag sa gitna ng dagat na may nakataling pata mula sa baboy na bagong katay sa aking leeg at sinabihang unahan ko ang mga pating. Parang ayoko, o di kayang isipin ng utak ko na may divine humor dito sa sitwasyon ko. Kung mayroon man nung tinatawag na silver lining-yung liwanag sa likod ng kulimlim ng mga ulap-sana naman e makita ko na iyon. May optimism pa rin naman sa sistema ko kahit napakacynical ko minsan. Sana lang wag siya maging asa sa wala.

Leave a Reply