War Dogs
Nagkamali ka Goblin. Ang laki ng pagkakamali mo.
Minamaximize ko lang ang oras ko kaya ko inunang gawin ang ibang trabaho. Ayoko maging pabigat sa ibang tao, di tulad mo na walang alam gawin kundi humirit ng wala naman sa hulog. Wala kang naitulong sa trabaho ko, bagkus pinabigat mo pa ito.
Sinermunan mo ako ng limang minuto, mas matindi ang balik sa iyo. Tandaan mo ito - kung di sa walang pagpipilian, wala ako sa kompanya mo at di kita pagtitiisan. Di mo alam ang sinasabi mo kaya wala kang moral ascendancy para manermon.
Sinumulan mo ang paglaya ng wardogs, Goblin.
Hindi sila ganoon kadali itali uli.