Dumugo utak ko sa dami ng mga ginawa ko. Pero etong linggong to ang pinakamarami akong natutunan sa trabaho ko. Mga Theory at style na di ko alam noon. May math din pala sa design, may mga magic number pang dapat tandaan para makabuo ka ng isang maayos at magandang disenyo.
Sa kasgsagan ng pageexperimento ko, inabala ako ni boss. may ipapagawa sa akin dahil sa tingin na naman niya (ulit) nagaaksaya ako ng oras sa pagdedesign. Ang di alam ni boss, may nagawa na akong isa. It just so happened na yung nagawa ko, yun ang gusto nya mangyari.
Ano nga ba yung commercial ng credit card? yung may presyo?
Yun ang nangyari kanina. Yung itsura ng mukha nya? that was priceless.
Score one for the Home team.
Nagawi ako sa isang shopping center kanina, naghahanap ako ng mabibili sa sweldo kahit na nagiipon ako ng pera para sa aking world gadget tour. May nakita akong mga pagkakagastusan na naman, as always, at syempre dadagdag na iyon sa mga pagiipunan ko. Isa na ito sa mga iyon.
Nakanood ako ng shooting kanina kaso pinalayas ako ng PA kasi dumating si Luis Manzano. Ayaw siguro ng direk, nung PA, o ni Luis ng mga commoners na nagmimiron sa galaw nila.
Kung ganon, maghanap sila ng greenscreen. Leche.
Matapos ang halos dalawang linggo ng pagkaantala, aalis na ang tatay ko bukas. Estimated arrival niya sa Bayan ng Lubumbashi sa Democratic Republic of Congo matapos ang dalawang stopover sa Hongkong at Johannesburg ay Lunes ng hapon, oras dito. Paalam ‘tay. Magiingat ka doon, at magtetext palagi.