The Zen of Kuripot

isang linggo pa bago ang sweldo. Kung walang paglalaanang forced leave ang pera ko, naitago ko sana ito. Marami akong bayarin na sana paglalaanan na lang, pero sa ibang mapagpalang palad lang sasayad ang kuwarta ko.

Forced Leave di dahil sa may sakit ako, o may kagaguhang ginawa sa opisina. Kung sana ganun-ganun na lang.

Naiirita ako. Wala na nga akong kapera-pera tapos gusto pang ipilit ang bakasyon out of town. Sa normal na mundo ng mga mortal na kumakayod para lang makapagbakasyon, katangahang mairita ka dahil magbabakasyon ka. Kung ganon, di siguro ako normal, o di siguro ako mortal.

Ayoko lang kasi pagmulan ng kung anong malaking gulo ito, kaya sumasakay na lang ako. Kahit halos igapang ko na ang pambayad sige lang. Danyos lang yun sa sakit ng ulong di naman mawawala kahit may pera ka. Kaya siguro ako tinatamad ng sobra asikasuhin yan.

Isa pa, wala naman talaga akong hilig magbakasyon ng wala sa sibilisasyon. Day-off ko ang bakasyon ko. Masaya na ako sa ganon. Di din naman ako mapalagay na wala sa Maynila eh. Di ko lang talaga mawari kung bakit di siya makakilos na di ako kasama. Matagal ko nang inisip kung bakit ganoon, pero hanggang ngayon, wala pa rin sa akin ang sagot.

Sa liit ng sahod ko, nagagawa ko na mailayo na sa isipan ko yang pagalis para gumastos lang. Sabi nga, mas maganda na wala kang pera. Di ka natutuksong maglabas ng pera para sa bagay na alam mo sa sarili mo na di mo naman kayang paglaanan ng pondo. Maari nga, kuripot ako. Pero maganda nang maging kuripot at may perang mahuhugot pag kinailangan talaga kesa sa ubos-biyaya na pagdating ng ipit, nakatunganga.

Leave a Reply