“Parang Muscle na nagkapilipilipit!”

Nag-up ang homepage ng isang site na ninenok ang design sa ibang site kanina. Nakakaguilty din pala mangopya na ultimo CSS ng site gagawan mo ng Ctrl-C/V attack. May maka-ispot kaya sa katarantaduhang ginawa ko?

As usual, naglakad na naman ako pauwi. Wala na kasi akong pera, malapit din naman, saka (sabi ni kumander) kailangan ko nang idispatsa ang minamahal kong organic salbabida at palitan ng terminator-abs ni Marc Nelson. Since wala akong pera na pang-gym, OK na na mag-Death March ako patawid ng dalawang barangay. Kahit na kabalintunaan at potentially dangerous na maglakad sa init ng gabi, ayus lang. Nakakain pa ulit ng fishball. Solb na naman ako sa limang pisong harinang may kasamang Salmonella saka E. coli flavors. Nakauwi naman ako ng maluwalhati, pero ang sakit ng katawan ko. Parang binugbog ni Marc Nelson. Bukas ulit.

Sumusumpong na naman ang attention deficit disorder ko at ang lightspeed na bilis kong mainip. Bakit kaya nung wala akong trabaho, kaya kong maupo sa harap ng computer ng walong oras derecho na di naiinip? Ngayon na bayad na ang pangangatikot ko sa Photoshop, naiinip ako?

Siguro dahil boring as fuck ang trabaho ko.

Namimiss ko pagiging estudyante ko. Gusto ko magcutting kahit minsan lang. Yung tipong aalis ka ng bahay pero di mo alam kung saan ka patungo, tapos ang itinerary mo ina-adlib lang. Magpapakabusog ka na sa Lugaw, waffles, 35pesos na merienda meals sa foodcourt na lasang ginisang asbestos, o Jollibee kung may pera. Mag-aaliw sa pagtingin ng poster ng sine at pirated na DVD. Pag nainip, saka lang uuwi.

Good Times.

Leave a Reply